RL

Ricky Lee

20quotes

Quotes by Ricky Lee

"
Di ba mas matinding parusa ang parusang ginagawa sa sarili?
"
Ba’t ba naghahalikan ang mga utaw? Para magpalitan ng laway? Magdikit ang mga dila? Bakit hindi mga ilong na gaya sa ibang bansa, o kaya ay mga balikat? Bakit maski sa pisngi lang siya nahalikan ni Homer ay parang ang kaluluwa niya ang tinamaan ng nguso nito? At andito na rin lang tayo sa subject ng paghahalikan, me pagkakaiba ba kapag lalaki o babae o kapwa lalaki o kapwa babae ang mga ngusong nagdidikit? Paano ang mga walang nguso?
"
Mas matinding nakakaalala ang puso kaysa utak.
"
Lahat ng bagay, maski mahirap, natatanggap. Pinoproseso lang.
"
Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya o masaktan o magpakagago pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na.
"
Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang mga paniniwala. Kapag nagmahal ka'y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath.
"
Kakabog ang dibdib mo, kikilig ang kalamnan mo, at kikirot ang puso mo. Kabog, kilig, kirot. Kapag naramdaman mo ang tatlong K, ... umiibig ka!
"
Ang nagmamahal ay laging may misyon na iligtas ang minamahal nito.
"
Ang Pilipino sabi ni Trono kay Giselle, at sa kumpulan ng mga kinkilig na kababaihan, ay pinaghalo-halong dugo. Sumasamba ng sabay-sabay kay Buddha at kay Kristo at sa mga anting-anting at Feng Shui. Sa dami ng nagsasabi sa kanya kung ano siya, nakalimutan na niya kung sino siya.
"
Yang hawak mong diploma, para 'yan sa iba, hindi para sa'yo.
Showing 1 to 10 of 20 results